Pumalo na sa mahigit 17-M mag-aaral ang naka-enroll na para sa School Year 2023-2024, ayon sa Department of Education.
Sa tala ng DepEd, aabot sa 17,389,572 ang eksaktong bilang ng mga estudyanteng nagparehistro sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa buong bansa.
Nakapag-ulat naman ng pinakamaraming enrollees ang CALABARZON na may 2,915,796, sinundan ito ng Metro Manila na may 2,263,482, at Central Luzon na may 1,933,651.
Habang ang Cordillera Administrative Region ang may pina-kaunting bilang ng mga nag-enroll na may 210,324 na mag-aaral.
Gayunpaman, sinabi ng DepEd na patuloy ang enrollment period hanggang sa Sabado, August 26. —sa panulat ni Airiam Sancho