Dalawang linggo makalipas ang mapaminsalang wildfires na tumama sa Lahaina, sa Isla ng Maui, sa Hawaii, wala pa ring opisyal na bilang ang Philippine Consulate sa Honolulu sa mga nawawalang Pilipino at Filipino-Americans.
Sa pagtaya ni Consul General Emil Fernandez, posibleng nasa 100 Pinoy at Fil-Ams ang kabilang sa 850 katao na kasalukuyan pa ring hinahanap.
Sinabi ni Fernandez na nasa proseso sila ng pagbe-beripika ng mga pangalan na tunog Pilipino sa unofficial list na ginawa ng Maui Community para sa mga naiulat na nawawala.
Nakipagpulong din ang Consul General sa Office of Foreign Mission ng US Department of State para humingi ng tulong na makakuha sila ng impormasyon tungkol sa mga nawawalang indibidwal. —sa panulat ni Lea Soriano