Inaprubahan ng Kamara ang resolusyon na nananawagan sa COMELEC na magdaos ng Special Election para mapunan ang puwesto na binakante ng pinatalsik na si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr..
Inadopt ng mga miyembro ang House Resolution 1212 na inintroduce nina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Mannix Dalipe, at Minority Leader Marcelino Libanan, na nagse-sertipika sa bakanteng puwesto sa mababang kapulungan ng kongreso.
Sa ilalim ng Republic Act 6645, mandato ng COMELEC na magdaos ng special election kapag mayroong nabakanteng puwesto sa Senado, atleast 18 months’ o sa Kamara, atleast 1- taon, bago ang susunod na Regular Election para sa mga miyembro ng kongreso.
Alinsunod naman sa Republic Act 7166, maaring magpatawag ang poll body ng special election nang hindi mas maaga sa 60 days subalit hindi lalagpas ng 90 days makaraang mabakante ang puwesto.
Binakante ni Teves ang kanyang puwesto makaraang patalsikin sa Kamara noong nakaraang linggo dahil sa disorderly conduct bunsod ng patuloy na pagliban sa trabaho sa kabila nang nag-expire na ang kanyang travel authority. —sa panulat ni Lea Soriano