Ligtas ang 50 Filipino teachers sa Maui, Hawaii na nasa ilalim ng Exchange Program kasunod ng malawakang wildfires na tumama sa Isla, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na nako-contact na ang mga guro na mayroong hawak na J-1 Visa na ipinagkakaloob sa mga dayuhan na nasa Work-and-Study-based Exhange at Visitor programs ng United States.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay iniulat ni De Vega na hinahanap ng Philippine Consulate ang 50 Pinoy teachers sa gitna ng sumiklab na wildfires sa Lahaina.
Ayon sa DFA official, tatlo sa mga guro ay naka-base sa Lahaina, subalit hindi naman sila naapektuhan ng wildfires. —sa panulat ni Lea Soriano