dzme1530.ph

Pagtapyas ng budget sa DOH sa susunod na taon, nakababahala, ayon sa isang Senador

Aminado si Senate Majority Leader Joel Villanueva na nakababahala ang pagtapyas ng Department of Budget and Management ng pondo sa Department of Health sa susunod na taon.

Nangako naman si Villanueva na bubusisiin nang maigi ang pondo ng DOH upang matukoy ang mga paraang maaari pa nilang gawin.

Nangako rin ang senador na aalamin ang impementasyon ng Universal Healthcare Program at ang paggastos ng budget para rito na sa pananaw nya ay malaki pa ang kakulangan.

Sa ngayon anya 40% pa rin ng medical needs ang mga Pinoy ang magmumula mismo sa sarili nilang bulsa na dagdag din sa mga dahilan ng kahirapan.

Kaya naman dapat lamang anyang buhusan ng pondo ang mga programang pangkalusugan ng bansa at hindi maaaring hindi ito makasama sa prayoridad ng gobyerno.

Iginiit naman ni Sen Grace Poe na dapat matiyak na maibibigay ang tamang budget sa apat na specialty hospitals na patuloy ang serbisyo sa mga nangangailangan.

Iginiit ni Poe na kailangang matiyak na magugol nang tama ang pondo para sa kalusugan ng mamamayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author