Nagpa-saklolo sa Manila Police District ang Presidential Task Force on Media Security hinggil sa mga natanggap na pagbabanta sa buhay ng beteranong radio journalist na si David Oro.
Ayon sa PTFoMS, humingi ng tulong sa kanila si Oro matapos itong makatanggap ng mga bala mula sa hindi kilalang sources sa magkahiwalay na pagkakataon sa nagdaang dalawang linggo.
Kaugnay dito, humiling si PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez kay MPD Dir. PBGen. Andre Dizon na magsagawa ng imbestigasyon at threat assessment.
Humirit din ito ng security para sa beteranong radio announcer.
Sa kabila nito, sinabi ni Gutierrez na masyado pang maaga para magkaroon ng ispekulasyon kaugnay ng motibo sa pagbabanta sa buhay ni Oro. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News