Pumalo na sa 16.8 million ang bilang ng mga nag-enroll para sa paparating na School Year 2023-2024.
Ito ay batay sa huling datos mula sa Learner Information System Quick Count ng Dep’t of Education.
Pinaka-marami ang nag-enroll sa Region IV-A na umabot sa 2.85 million.
Sumunod naman ang Metro Manila na may 2.22 million, at Region III na may 1.86 million.
Bukod dito, sinabi ng DepEd na maaari na ring magpatala sa mga Brgy., Community Learning Center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan ang learners mula sa Alternative Learning System (ALS).
Aarangkada ang Enrollment period hanggang sa Aug. 26 bago ang pagbubukas ng klase sa Aug. 29. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News