dzme1530.ph

Administrasyong Marcos, naglaan ng P2-B sa 2024 Budget para sa Cancer patients

Naglaan ang Administrasyong Marcos ng P2-B sa ilalim ng Proposed 2024 National Budget, para sa Cancer patients sa bansa.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, P1.024 billion ang alokasyon sa Prevention and Control of Non-Communicable Diseases, at sasagutin nito ang procurement ng 61 cancer commodities.

Tinataya ring nasa 18,695 na cancer patients ang makikinabang dito.

Bukod dito, P1-B ang inilaan bilang Cancer Assistance Fund para sa subsidiya at medical aid sa 6,666 cancer patients na naka-rehistro sa 31 Cancer Access Sites Nationwide.

Magsisilbi itong partial financing para sa Outpatient at Inpatient Cancer Control Services.

Layunin din nitong punan ang financial gap sa Cancer Diagnostics and Laboratories na hindi saklaw ng PhilHealth, kung saan umaabot sa P150,000 ang gastos ng kada pasyente. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author