Alam niyo ba na marami ang naidudulot na benepisyo ng pagtulog ng walang suot na damit?
Ayon kay Dr. Helen Fisher, isang Biological Anthropologist, ang pagtulog ng nakahubad ay nakatutulong sa sirkulasyon ng dugo lalo na sa puso at mga muscle para mabawasan ang stress level at anxiety.
Pinipigilan din nito ang vaginal yeast infection sa mga kababaihan at pinabubuti naman ang semen quality o fertility para sa mga kalalakihan.
Ayon din sa isinagawang pagsasaliksik ng Goldsmiths sa University of London na kanilang inilathala sa Journal of Happiness Studies, natuklasan ang pagtulog ng walang saplot ay nakabubuti sa paggana ng ating body clock. Resulta nito ang mas mahimbing at kumpletong oras ng pagtulog.
Ayon kay Dr. Keon West, may psychological benefits ang nude-sleeping habit, napagalaman na ang mga taong isinasagawa ito ng regular ay nakitaan nang mas stable ang emotional state.