dzme1530.ph

PCU, pinatawan ng show cause order ng CHED

Pinatawan ng “Immediately Cease and Desist” order ng Commission on Higher Education (CHED) ang Philippine Christian University (PCU).

Ito ay dahil sa ilang ipinatutupad na programa ng institusyon ng walang Offical permit o Authorization mula sa CHED.

Kabilang na dito ang pag-o-offer ng Transnational Higher Education (TNHE) programs nang walang permit mula sa gobyerno; kabiguang makapagbigay ng relevant data sa mga kanilang international partners; at hindi pagsunod sa tamang dami ng guro at estudyante para sa programang Doctor of Philosophy in Business Management.

Pag-post ng mga pampublikong anunsyo tungkol sa mga programa ng TNHE nang walang wastong pahintulot ng CHED; pakikipag-partner sa mga institusyong hindi kinikilala ng pamahalaan bilang quality higher education providers o hindi accredited sa city of origin nito; at pag-aalok ng mga shortened graduate programs sa pamamagitan ng mga extension class via distance education at online modalities nang walang pahintulot.

Ayon sa CHED, inilabas nila ang show cause order laban sa PCU upang protektahan ang publiko, alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon sa bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author