Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa sila nag-i-isyu ng tickets sa motorcycle riders na gumagamit ng bike lane sa EDSA.
Sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na hindi pa sila maniniket hangga’t hindi pa nila naaayos ang gagawin, at kailangan din nilang konsultahin pa ang stakeholders.
Gayunman, nag-deploy na ang ahensya ng mga enforcer sa EDSA upang sitahin ang mga rider ng motorsiklo na dumadaan sa bike lane.
Idinagdag ni Artes na maari lamang magrekomenda ang MMDA subalit ang Department of Transportation ang magpapasya sa polisiya.
Noong linggo ay inanunsyo ng MMDA na simula kahapon, Lunes, Aug. 21 ay huhulihin na ang mga nagmo-motor na gagamit ng bicycle lane sa EDSA at papatawan ng P1,000 multa para sa disregarding traffic sign. —sa panulat ni Lea Soriano