Ang gata ng niyog ay mula sa kinudkod o kinayod na laman ng mature brown coconuts.
Taglay ng coconut milk ang Vitamin C, fiber, folate, iron, magnesium, potassium, copper, manganese, at selenium na nakatutulong upang mapalakas ang ating kalusugan.
Kadalasang inihahalo ang gata ng niyog sa ilang putahe, gaya ng mga ginataang gulay na kalabasa at sitaw, bicol express, at iba pa.
Subalit alam niyo ba na ito ay maaari ring ipahid sa balat? sa paliwanag, nakatutulong sa mabilis na paggaling sugat, galis, at kagat ng insekto ang coconut milk.
Ito’y dahil sa taglay nitong Antibacterial, Antifungal, at Anti-inflammatory properties na nakapagpababawas sa pamamaga at kirot. —sa panulat ni Airiam Sancho