dzme1530.ph

PNP, nagsimula nang maglagay ng Police Assistance Desks sa mga paaralan

Inumpisahan na ng Philippine National Police ang paglalagay ng Police Assistance Desks sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na nagsimula ang deployment noong nakaraang linggo, kasabay ng pagpapatuloy ng klase sa ilang pribadong paaralan.

Ang police assistance desk ay binubuo ng 32,000 police officers sa buong bansa.

Bukod sa mga itinalaga sa assistance desk, mayroon ding ini-assign sa mobile at foot patrol, pati na sa checkpoints malapit sa mga eskwelahan.

Idinagdag ni Fajardo na napatunayan na ang police presence at visilibility ay epektibong pantaboy sa mga kriminal. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author