Nanawagan ng Unity o pagkakaisa sa mga Pilipino si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong ika-40 Anibersaryo ng kamatayan ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr..
Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng pakikiisa ang Pangulo sa lahat ng Pinoy sa buong mundo sa paggunita ng Ninoy Aquino Day.
Sinabi ni Marcos na si Ninoy ay nagsilbing ehemplo sa marami sa pamamagitan ng pagtindig para sa kanyang mga paniniwala, at pakikipaglaban para sa mga pinaniniwalaan niyang tama.
Kaugnay dito, hinimok ng Pangulo ang lahat na basagin ang mga balakid sa pulitika na humahadlang sa pagsulong ng mamamayan.
Hiling din ni Marcos ang paglalaho ng boundaries ng “personal biases” alang-alang sa kapakanan ng lahat, tungo sa pagtatatag ng isang inklusibo at progresibong Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News