dzme1530.ph

Pagbubukas ng klase sa “EMBO” schools sa Aug. 29 sa gitna ng territorial dispute ng Makati at Taguig, tuloy pa rin —DepEd

Tuloy pa rin ang pagbubukas ng 14 na pampublikong paaralan, na itinuturing na “EMBO” Schools sa Aug.29 sa gitna ng isyu sa pinag-aagawang teritoryo ng Makati at Taguig City.

Ito ang inihayag ni Dept. of Education Asec. Francis Bringas matapos kwestyunin kung magbubukas pa rin ang mga klase sa mga apektadong paaralan.

Giit ni Bringas, pangangasiwaan muna ng Office of the Secretary, sa pangunguna ni VP at Education Sec. Sara Duterte ang mga naturang public school upang masiguro sa mga magulang na tuloy ang pasok ng mga mag-aaral sa nasabing petsa.

Nabatid na base sa Dept. Order na may petsang Aug. 16, kinikilala ng DepEd ang tumataas na tension dulot ng desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa isyu ng Makati at Taguig City sa mga paaralan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author