dzme1530.ph

‘Efficiency and Flexibility’ ng pribadong sektor para sa infra projects ng DOTr, inaasahan!

Pormal nang nilagdaan ng Department of Transportion (DOTr) ang apat na consultancy services ng mga pribadong sektor para sa pagsasakatuparan ng Infrasturcture Flagship Project (IFD) ng ahensya.

Kabilang dito ang serbisyo sa Public-Private Partnership Center para sa Cebu Bus Rapid Transit (BRT) Operations and Maintenance.

Gayundin ang feasibility studies para sa NCR EDSA Busway; pagpapalawak at muling pagtatayo ng Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake Ferry System (MAPALLA); at expansion sa 800 kilometer ng North Long Haul Inter-Regional Railway.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, inaasahan ng kagawaran ang ang efficiency, flexibility at expertise ng pribadong sektor sa pagsasakatuparan ng malalaking proyektong imprastruktura. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author