dzme1530.ph

BCDA, Tarlac, magsasanib pwersa para sa pag-develop ng 47-hectare techno hub sa New Clark City

Nakatakdang i-develop ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang 47-hectare site sa New Clark City upang maging technology hub sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac.

Sa statement, sinabi ng BCDA na nalagdaan na ng magkabilang panig ang Memorandum of Agreement para sa pag-develop sa site na pagtatayuan ng agro-industry projects, research and development facilities, logistics centers, at technology-focused operations, gaya ng hyperscale data centers.

Inihayag ni BCDA President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang na nais nilang i-develop ang New Clark City bilang model ng Pilipinas para sa future smart cities.

Inaasahan naman ni Tarlac Gov. Susan Yap na makapagdiye-generate ng investments at mga trabaho ang itatayong technology hub sa lalawigan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author