Dudulog ang kampo ni Expelled Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Supreme Court para kwestiyunin ang umano’y iregularidad sa proceedings ng Komite sa Kamara na nag-imbestiga sa pinatalsik na mambabatas.
Sinabi ng abogado ni Teves na si Ferdinand Topacio na pinag-aaralan pa nila ang kanilang available remedies kasunod ng desisyon ng kamara na sibakin ang kanyang kliyente mula sa mababang kapulungan.
Aniya, ito ang kauna-unahang pangyayari sa ilalim ng konstitusyon na may pinatalsik na miyembro ng House of Representatives.
Idinagdag ni Topacio na nalulungkot at masama ang loob ni Teves dahil mawawalan aniya ng kinatawan ang distrito nito sa Negros Oriental. —sa panulat ni Lea Soriano