dzme1530.ph

24/7 na operasyon sa MRT-3, malabo dahil sa nighttime maintenance

Inamin ng pamunuan ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) na malabong maipatupad “anytime soon” ang 24-hour operation dahil napakahalagang hindi maantala ang Nighttime Maintenance Activities ng linya ng tren.

Ipinaliwanag ni MRT-3 Director for Operations Oscar Bongon na anumang delay sa scheduled maintenance ay maaring makaapekto sa ibang bahagi ng rail system para sa mga susunod na biyahe.

Sinabi ni Bongon na ang Nighttime Maintenance Procedure ay kinabibilangan ng routine inspection, cleaning, trouble-shooting, washing, shunting o uncoupling, at iba pang preventive activities.

Samantala, target naman ng MRT-3 na dagdagan ang kasalukuyang three-car train system at gawing four-car trains para makapag-accommodate ng mas maraming pasahero. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author