dzme1530.ph

Two at three wheled e-vehicles, ipinasasama sa import tariff suspension

Ipinasasama ng Department of Energy (DOE) at Electric Vehicle Association of the Philippines ang mga two at three wheeled electric vehicles sa Import Tariff Suspension.

Ayon kay DOE Director Patrick Aquino, ang Executive Order 12 o ang Customs Modernization and Tariff Act ay sumasaklaw lamang sa four-wheeled vehicles kung saan hindi ito papatawan ng import tariff sa loob ng limang taon.

Dahil aniya sa kautusan na ito ay bumaba ang presyo ng ilang E-Cars kung kaya’t isinusulong na isama ang tricycle at motorcycles para mag-mura din ang halaga nito.

Binigyang diin pa ng opisyal na mabenta pa rin sa ngayon ang 2-wheelers, kaya dapat lang na matanggalan ito ng taripa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author