Mahigit 200 archers sa buong mundo ang maglaban-laban sa 1st ASEAN Youth Archery Championships simula ngayong araw, Aug. 17 sa Dynamic Herb Sports Complex sa Cebu City.
Winelcome ng World Archery Philippines (WAP) ang mga kalahok mula sa Chinese-Taipei, Iran, India, Singapore, Thailand sa tatlong-araw na age group tournament na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Cebu City Government, at Cebu City Sports Commission.
Ang Taiwan na ikinokonsiderang world powerhouse, ang may pinakamaraming kinatawan na binubuo ng limang grupo.
Ayon kay WAP Sec. Gen. Dondon Sombrio, may mga kompetisyon para sa Under-10, Under-15, Under-18, at Under-21 age groups para Boys and Girls Division, habang ang Major International Youth Events ay ang Biannual World Archery Youth Championships at Youth Olympic Games.
Inaasahan naman na magpapamalas ng galing laban sa Asian Counterparts sina Jonathan Reaport at Compound Campainers Alon Jucutan at Gwyneth Garcia, na pawang lumahok sa World Meet. —sa panulat ni Airiam Sancho