dzme1530.ph

Sweden, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas sa agawan ng teritoryo kontra China sa WPS

Nagpahayag ng suporta ang Sweden sa Pilipinas kaugnay sa territorial dispute kontra China sa West Philippine Sea (WPS).

Binigyang diin ni Swedish Ambassador to the Philippines H.E. Annika Thunborg sa pulong nila ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na dapat manaig ang rules-based international order sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon sa defense chief, inaasahan na magkakaroon ng global consensus sa pagtataguyod ng 2016 Permanent Court of Arbitration Ruling na kumikilala sa karapatan ng bansa sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa WPS.

Kabilang din sa napag-usapan ng dalawang opisyal ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan muling inalok ni Thunborg na i-supply sa Philippine Air Force (PAF) ang kanilang flagship multirole aircraft.

Pareho namang nagpahayag ng commitment sa long term partnership ang dalawang kinatawan ng bansa kasabay ng pagpapalakas sa defense cooperation. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author