Pinayagan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng bansa ng 35,000 metriko toneladang galunggong, matang baka, mackerel, bonito at moonfish mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 31 ngayong taon.
Ayon sa ahensiya sa ilalim ng DA Memorandum Circular ang naturang kautusan ay agad na magiging epektibo at patuloy na ipatutupad maliban na lamang kung ipawawalang bisa.
Nakapaloob din sa inisyung memo na tanging mga rehistradong importer sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang papayagang mag-angkat.
Sa 35,000 MT maximum importable volume, 80% ang inilaan para sa rehistradong importers ng commercial fishing sector at 20% ang mapupunta sa mga kooperatiba.