dzme1530.ph

3 Agri-Terminals, planong itayo sa Metro Manila

Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtayo ng tatlong agricultural terminals sa Metro Manila na pagbabagsakan ng mga produkto mula sa mga lalawigan upang mabawasan ang gap sa pagitan ng farm gate at retail prices.

Hindi naman tinukoy ni DTI Secretary Alfredo Pascual ang mga eksaktong lokasyon kung saan planong itayo ang tatlong Agri-Terminals.

Sinabi ni Pascual na katatapos lamang ng Asian Development Bank (ADB) na pag-aralan ang mga rekomendasyon sa pagtatayo ng mga terminal para sa agricultural goods.

Idinagdag ng kalihim na kailangang maging maayos ang supply chain upang maging mas mabilis at efficient ang delivery ng mga produkto. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author