dzme1530.ph

Mahigit 50% ng construction projects na ininspeksyon ng DOLE, lumalabag sa safety rules

Mahigit kalahati ng 100 contruction projects na ininspeksyon sa Metro Manila ang hindi tumatalima sa Occupational Safety and Health (OSH) standards, ayon sa Department of Labor and Employment.

Batay sa report ng Bureau of Working Conditions (BWC), sinabi ng DOLE na 52 mula sa 95 construction projects na ininspeksyon nito simula Aug. 1 hanggang 15 ang nakitaan ng mga paglabag.

Kabilang sa nangungunang violations na naitala ay hindi pagsusumite o walang kopya ng Construction Safety and Health program sa workplace at kawalan o kakapusan ng OSH personnel, gaya ng Safety Officers at First Aiders.

Pinaalalahanan ng DOLE ang mga construction site na mahigpit na ipatupad ang OSH Standards upang matiyak ang ligtas at malusog na working conditions ng mga manggagawa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author