Patuloy na umiiral ang Southwest Monsoon o Habagat sa katimugang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao, ayon sa PAGASA.
Dahil dito, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at BARMM.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa habagat at localized thunderstorm.
Pinapayuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-ingat dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, sumikat ang araw kaninang alas-5:42 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:19 ng gabi. —sa panulat ni Airiam Sancho