dzme1530.ph

Exploration sa Reed Bank, pinasisimulan na ng dating mahistrado ng Korte Suprema sa pamahalaan

Hinimok ni Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pamahalaan na simulan na ang exploration sa Reed Bank sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Carpio na walang choice ang bansa kundi kumuha ng gas sa Reed Bank dahil kung hindi ito gagawin ay labis na maaapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas.

Naniniwala ang retiradong mahistrado na konektado ang pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa Philippine vessels na nasa resupply mission patunong Ayungin Shoal, upang hindi magpadala ang bansa ng surveys at drilling ships sa Reed Bank.

Binigyang diin ni Carpio na kung wala ang Malampaya Gas Field at Reed Bank, kailangang mag-import ang bansa ng liquefied natural gas na aniya ay sadyang napakagastos. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author