dzme1530.ph

Pilipinas, 95% nang handa para sa pagho-host ng FIBA World Cup

95% nang handa ang Pilipinas para sa makasaysayang pagho-host ng FIBA World Cup 2023, mahigit isang linggo nalang bago ang pagbubukas nito sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan at sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ginawa ng Local Organizing Committee ang assessment sa gitna nang crucial finishing touches sa ginagawang paghahanda ng bansa para sa biggest stage ng Basketball.

Sinabi ni Erika Dy, Deputy Event Director ng FIBA World Cup 2023, na sinimulan na rin nila ang pagse-set-up ng bagong basketball blackboards, competition lights, scoreboards, at flooring, pati na ang pag-aayos ng mga plano para sa traffic situations mula sa mga hotel patungong game venues.

Target ng bansa na mapuno ang 55,000-capacity na Philippine Arena sa pagbubukas ng Gilas Pilipinas sa pangunguna ni NBA star Jordan Clarkson ng kanilang Group A Campaign laban sa Dominican Republic. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author