Pumalo sa six-month high ang remittances o perang ipinadala ng mga Pilipino mula sa ibang bansa noong Hunyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umakyat sa $2.812-B ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels noong ika-anim na buwan.
Mas mataas ito ng 2.1% kumpara sa $2.755-B na naitala noong Hunyo ng nakaraang taon.
Ito rin ang pinakamataas na remittances simula noong December 2022 kung kailan naitala ang $3.159-B. —sa panulat ni Lea Soriano