Naitala ang mataas o ‘dangerous level’ na heat index sa 14 na lugar sa bansa, kahapon.
Ayon sa PAGASA, tumindi sa 45°C ang naitalang heat index sa Baler at Casiguran, Aurora na mas mababa sa naramdamang 60°C na heat index sa lalawigan nitong Lunes.
Kabilang din sa mga nakapagtala ng napakainit na temperatura ang Tuguegarao City, Cagayan; Infanta, Quezon; Calapan, Oriental Mindoro; at Catbalogan, Western Samar na may 43°C.
Habang nasa 42°C naman ang init sa NAIA, Pasay City; Dagupan City, Pangasinan; Aparri, Cagayan; Sangley Point Cavite; Ambulong, Tanauan, Batangas; Daet, Camarines Norte; Virac, Catanduanes; at Juban, Sorsogon.
Ang heat index ay tumutukoy sa naramdamang init o discomfort ng isang tao bunsod ng naramdaman nitong temperatura.
Maikukunsiderang nasa danger category ang isang lugar na may heat index na 42°C hanggang 54°C.