Labintatlong reclamation projects lamang at hindi 22 ang inaprubahan sa Manila Bay, ayon kay Philippine Reclamation Authority (PRA) Assistant General Manager Joseph Literal.
Nilinaw ni Literal na ang 22 projects na tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay para sa buong bansa.
Sinabi ng opisyal na mula sa 13 reclamation projects, 3 ang kasalukuyang ipinatutupad habang ang 10 iba pa ay nagko-comply pa para sa pre-construction documents at iba pang permits mula sa pra at sa iba pang government agencies.
Idinagdag ni Literal na ang mga proyekto sa Manila Bay ay inaprubahan simula 2019 hanggang 2021, habang ang iba pang projects ay pre-approved na simula pa noong huling bahagi ng 1990s.—sa panulat ni Lea Soriano