dzme1530.ph

Mahigit 44,000 vehicular accidents, naitala sa Metro Manila sa unang pitong buwan ng taon

Kabuuang 44,493 vehicular accidents ang naitala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila simula Enero hanggang Hulyo.

Sa tala ng MMDA, 32,800 vehicular accidents ang nagresulta ng damage to property, kabilang ang 168 fatal injuries at 11,525 non-fatal injuries.

Pinakamarami ang naitalang aksidente noong Mayo na nasa 7,505, sumunod noong Marso na nasa 7,305.

Pinakamababa naman ang naitala noong Julyo na 3,277 road crashes.

Ayon sa MMDA, halos 44,000 na four-wheelers ang nasangkot sa mga aksidente. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author