Pangunahing layunin ng paggamit ng hearing aid ay upang umayos o gumanda ang pandinig.
Maliban dito, ayon sa pag-aaral ng Journal of American Geriatrics Society, makatutulong ang hearing device upang mabawasan ang banta ng dementia o paghina ng memorya, depression at anxiety.
Sa pagsasaliksik ni Dr. Elham Mahmoud ng University of Michigan Institute for Healthcare Policy and Innovation, sinuri ang 115,000 matatanda edad 66 na bingi.
Natuklasan na ang mga elder na may hearing loss na gumamit ng hearing aids ay bumaba ng 18% ang tyansang magkaroon ng Dementia, na kapag napabayaan ay posibleng mauwi sa Alzheimer’s disease.
Nabawasan naman ng 11% ang banta ng depression o anxiety at 13% sa fall-related injuries.
Ngunit, paalala ni Mahmoud ang hearing device ay hindi treatment sa mga nabanggit na kondisyon, mas mainam pa rin na magpakonsulta sa espesyalista para sa tamang diagnosis. —sa panulat ni Airiam Sancho