Unti-unting tumataas ang wastage sa supply ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas bunsod ng bumababang interes ng publiko, ayon sa isang eksperto.
Ito’y matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) na magiging available na sa general public ang bivalent vaccine na ang primary target ay healthcare workers at senior citzens, bunsod ng mabagal na utilization at nalalapit nang expiration date.
Sinabi ni Public Health Expert, Dr. Tony Leachon na ang pagtuloy na pagbaba ng interes ng publiko na mabakunahan ay maiuugnay sa nakaaalarmang dami ng vaccine wastage, kasabay ng pagtukoy sa misinformation, disinformation, problema sa logistics, at mabagal na deployment mula sa mga humahawak ng mga bakuna. —sa panulat ni Lea Soriano