dzme1530.ph

Investments na nalikom ng Pangulo sa foreign trips, isa sa mga sanhi ng pagtaas ng employment rate —ECOP

Tinukoy ng Employers Confederation of the Philippines ang nalikom na investments ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang foreign trips, bilang isa sa mga nagtulak ng pagtaas ng employment rate sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. na halos kada linggo ay may tinatanggap na delegasyon ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, na nagtatanong sa mga maaari nilang pasuking negosyo sa bansa, at naghahanap ng mga makaka-partner sa negosyo.

Makikita rin umanong tumaas ang investment registrations sa Philippine Economic Zone Authority at Board of Investments.

Samantala, tinukoy din ng ECOP ang mga industriya ng konstruksyon, agrikultura, at food services na nagpasigla ng employment.

Matatandaang tumaas sa 95.5% ang employment rate para sa buwan ng Hunyo, o katumbas ng 48.84 million na mga Pilipinong may trabaho. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author