dzme1530.ph

Telcos, ipinagkibit-balikat lang ang milyon-milyong subscribers na nabawas sa kanila pagkatapos ng SIM Registration

Balewala sa tatlong major telecommunications players sa bansa ang milyon-milyong subscribers na nawala sa kanila pagkatapos ng halos walong buwan na mandatory SIM Registration.

Sa datos mula sa National Telecommunications Commission (NTC), as of July 30, 2023, nawalan ng average na 33% mula sa kanilang total active subscribers ang Smart, Globe at DITO.

Natapyasan ang Smart ng 20.8% sa kanilang 66.3 million subscribers makaraang 52.5 million lamang ang nakapag-rehistro ng Sim.

Sa kabila naman ng 30.6% na nabawas sa total active subscribers ng Globe, nananatili pa rin ito bilang dominant telco player na may 53.7 million na reistered subscribers.

Samantala, ang DITO naman ay nawalan ng 48.3% sa kanilang 14.96 million active subscribers makaraang 7.74 million lamang ang nagpa-register ng kanilang dito Sims. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author