Nakauwi na sa Pilipinas mula sa Qatar ang ina ni Jemboy Baltazar, ang 17-anyos na binatilyo na napaslang ng mga pulis sa Navotas dahil sa mistaken identity.
Ayon sa Department of Migrant workers, dumating ang Overseas Filipina Worker na si Rodaliza Baltazar sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kaninang alas 10:35 ng umaga.
Kinausap ng senior officials ng DMW ang ginang sa VIP Lounge ng NAIA Terminal 1 upang alamin kung ano ang iba pang tulong na maaring ibigay ng ahensya sa kanya at sa kanyang pamilya.
Una nang inihayag ng DMW na pagkakalooban si Rodaliza ng P100,000 na financial assistance at sasagutin din ng ahensya ang gastos sa burol at pagpapalibing kay Jemboy. —sa panulat ni Lea Soriano