dzme1530.ph

Ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Laos, palalakasin pa

Palalakasin pa ng Pilipinas at Laos ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Kamakailan lamang ay nirebyu nina Dept. of Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo at Laos Foreign Minister Saleumxay Kommasith ang mga umiiral na partnership, tulad ng security and defense, health, gender and women development, at trade and investment.

Nagpahayag din ng interes ang dalawang bansa para sa bagong areas of collaboration, gaya ng renewable energy, technology and communication, tourism, education and sports, at disaster management.

Napag-usapan din Nina Manal at Kommasith ang posibilidad na magkaroon ng direct flight sa pagitan ng Pilipinas at Laos upang mapaigting ang trade and investment, at turismo. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author