Pinag-aaralan ng Armed forces of the Philippines na maglagay ng maritime militia sa West Philippine Sea para palakasin ang presensya nito sa lugar, ilang araw matapos bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang resupply mission ng bansa sa Ayungin Shoal.
Sa news conference sa AFP Western Command sa Palawan, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na bahagi ng kanilang plano na maglagay ng militia fleet dahil mayroon din nito ang China at Vietnam.
Inihayag ni Brawner na nais nila na maging bahagi ng reserve forces ang mga mangingisda na tuturuan nila kung paano depensahan ang bansa.
Ayon sa Western Command, nasa 400 foreign vessels ang na-monitor sa West Philippine Sea, hanggang noong Miyerkules, at 85% nito ay Chinese. —sa panulat ni Lea Soriano