dzme1530.ph

Pamamahagi ng P5-K cash allowance ng mga guro, sisimulan sa Aug. 29

Ipapamahagi ng Department of Education (DEPED) ang p5,000 cash allowance ng mga kwalipikadong guro simula Aug. 29.

Ayon kay DEPED Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, sisimulan nila ang distribusyon ng cash allowance kasabay ng pasukan sa mga pampublikong paaralan o ang pagbubukas ng School Year 2023-2024.

Ang cash allowance ng mga guro ay para sa pagbili ng kanilang teaching materials, internet subcription at taunang health expenses.

Ipinaalala naman ng education department sa lahat ng kanilang Regional Office na siguruhing agad na ipoproseso at ipapalabas sa Schools Division Offices ang naturang allotment. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author