dzme1530.ph

DA-BPI, hindi sang-ayon na mag-angkat ang Pilipinas ng sibuyas sa China

Hindi sang-ayon ang Bureau of Plant Industry (BPI) na mag-angkat ang Pilipinas ng sibuyas mula sa China.

Ito ang binigyang diin ni BPI National Plant Quarantine Services Division Assistant Division Chief Hendrick Esconde.

Sa muling pagtalakay ng House Committee on Agriculture and Food tungkol sa onion hoarding at cartel, kinuwestiyon ni Gabriela party-list Representative Arlene Brosas ang Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPIC) para sa taong 2023 kung saan lumabas na puro sa China nanggaling ang imported na sibuyas sa Pilipinas.

Paliwanag naman ni Esconde, marami ang naangkat na sibuyas mula China dahil malapit lang ito sa ating bansa at inaabot lamang ng hanggang 7-araw ang delivery.

Dagdag pa ng opisyal, mayroon din namang ibang bansa na pinagkuhanan ng imported onions, gaya ng Netherlands at India ngunit limitado lamang ito.

Nabatid na ngayong taon ay umabot na sa halos 300 na import permit ang inilabas ng Bureau of Plant Industry. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author