Sapat ang suplay at stable ang presyo ng mga sibuyas hanggang Christmas season.
Ito ang tiniyak ni Dept. of Agriculture – Bureau of Plant Industry Dir. Glenn Panganiban sa naganap na pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food.
Ayon kay Panganiban, sa ngayon ay may isang buwang halaga ng suplay ang puting sibuyas habang mahigit tatlong buwan naman ang suplay ng pulang sibuyas.
Sinabi pa ng opisyal sa mga mambabatas na ang presyo ng puting sibuyas ay tinatayang aabot sa P110 hanggang P160 per kilo, habang ang pulang sibuyas naman ay nasa P140 hanggang P170 per kilo.
Noong nakaraang holiday season hanggang unang buwan ng taong 2023, matatandaang sumirit sa mahigit P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila, na kung saan sinabi ng ilang industry group na ito’y dahil sa “poor planning” ng ahensya. —sa panulat ni Airiam Sancho