dzme1530.ph

Alamin ang mga benepisyong maaring makuha sa pagkain ng pistachios

Maraming benepisyo ang maaring makuha sa pagkain ng pistachios.

Mayaman kasi ito sa Protein, Fiber, at Antioxidants. Nagtataglay din ito ng iba pang mahahalagang nutrients, gaya ng Vitamin B6 at Potassium.

Kabilang din ang pistachios sa most antioxidant-rich nuts available. Mataas ito sa lutein at zeaxanthin, na kapwa nagpo-promote ng eye health.

Mas mababa ang taglay na calories nito at mas maraming protein kumpara sa ibang mga uri ng nuts. Maganda rin itong source ng essential amino acids, na maaring makuha sa pamamagitan ng diet.

Nakatutulong din ang pagkain ng pistachio nuts sa pagbabawas ng timbang. Mataas ito sa fiber na mabuti sa gut bacteria. Mainam din ito sa pagpapababa ng blood cholesterol at blood pressure kumpara sa ibang nuts.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author