dzme1530.ph

Trade deficit ng bansa, bumaba noong Hunyo

Nabawasan ang trade deficit ng bansa noong Hunyo makaraang bumaba ng double digits ang import at bahagyang lumago ang exports.

Sa preliminary data na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang balance of trade in goods sa $3.918-B deficit noong ika-6 na buwan.

kumpara ito sa $4.445-B deficit noong Mayo, at $5.877-B sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang deficit ay indikasyon na nalagpasan ng imports ang export receipts ng bansa, habang ang surplus ay nangangahulugan na mas mataas ang export shipments kumpara sa imports. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author