Pinagtibay ng Sandiganbayan 2nd Divison ang desisyon na nagbasura sa Civil Case no. 0014 na kinasasangkutan nina dating Pang. Ferdinand Marcos Sr., dating First Lady Imelda Marcos, at kanila umanong mga cronies at properties, gaya ng hotels, resorts, at iba pang mga korporasyon.
Sa resolusyon ng Korte na inihayag kahapon, ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ng nagsasakdal – ang Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, dahil sa kawalan ng merito.
Nakasaad sa resolusyon na ang mga alegasyon na tinukoy sa apela ay rehash na lamang ng mga isyu na nadesisyunan at naresolba na ng Korte.
Ang Civil Case no. 0014 ay isa sa mga forfeiture case na isinampa noong 1987 at sa pagtaya ng Presidential Commission on Good Government noong 2009, ang subject properties sa naturang kaso ay nagkakahalaga ng P581-M. —sa panulat ni Lea Soriano