Mahigit 4.5-M indibidwal na ang naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Egay at Falcon, at ng Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Batay sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, umabot na sa 4,555,227 individuals o 1,224,219 families ang naapektuhan ng kalamidad sa 5,334 na mga barangay sa buong bansa.
Nakapagtala rin ang ahensya ng 106, 610 displaced persons sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON, at Western Visayas.
30 ang naitalang nasawi habang 171 ang nasugatan at 10 pa ang nawawala.