dzme1530.ph

Pagsirit ng kaso ng dengue, leptospirosis sa bansa, ikinabahala ng DOH

Nababahala ang Department of Health (DOH) sa pagsirit ng kaso ng dengue at leptospirosis sa bansa.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, mas delikado ang dengue at leptospirosis lalo na’t tag-ulan na sa Pilipinas.

Mas mababa na kasi aniya ang tinatamaan ng COVID-19 sa ngayon kumpara sa mga naturang sakit.

Nagsimulang sumirit ang dengue cases noong buwan ng Abril 2023 at dumoble pa nitong Hunyo na kasalukuyang nasa halos 90,000 habang pumalo na sa 299 ang death toll o katumbas ng 0.37% fatality rate.

Sa leptospirosis naman, nakapagtala ng kabuuang kaso na 2,079 mula January hanggang July 15 at death toll na aabot sa 225.

Gayunman, nagpapaalala ang kalihim na manatili pa ring mag-ingat sa banta ng COVID-19 dahil maaari pa ring magkaroon ng outbreak ng naturang sakit sa bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author