dzme1530.ph

Mas malaking pondo ng PH Sports Commission para sa 2024, isusulong

Isusulong ng ilang mambabatas na madagdagan ang pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2024 matapos malaman na bumaba sa P210.44-M ang proposed 2024 budget nito.

Lumalabas sa 2024 National Expenditure Program (NEP) na ang nasabing alokasyon para sa PSC, na pondo para sa mga programa at pagsasanay ng national athletes ay mas mababa kumpara sa kasalukuyang P2.31-B budget.

Sinabi ni Leyte Rep. Richard Gomez, dating fencer at kinatawan ng Pilipinas sa ilang international games na ang kanilang hakbang ay makaraang malaman na nabawasan ang pondo ng komisyon.

Sang-ayon din si Senate Committee on Sports Chairman Christopher “Bong” Go na dapat bigyan ng sapat na budget ang PSC upang mas maging produktibo ang mga atletang Pilipino, lalo na ang mga kabataan na nais sumubok ng i-sports. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author