dzme1530.ph

Panibagong pangha-harass ng China sa mga barko ng PCG sa Ayungin Shoal, kinundena ng ilang Embahada sa Pilipinas

Kinundena ng ilang Embahada sa Pilipinas ang panibagong pang-haharass ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal, noong nakaraang Sabado, Aug. 5.

Nakasaad sa inilabas na pahayag ng Embahada ng Britanya sa Pilipinas na masyadong marahas at mapanganib ang ginawang panghaharang at paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard habang naglalayag patungong Ayungin Shoal ang PCG para maghatid ng suplay ng pagkain sa mga sundalong Pilipino doon.

Kasabay ng pagpapahayag ng suporta ng British Embassy, nanindigan ang Embahada ng Amerika na magiging kaisa sila ang Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan sa West Philippine Sea.

Habang hinimok naman ng Embahada ng Canada sa Pilipinas ang Peoples Republic of China na tumalima sa international law at respetuhin ang maritime boundaries. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author