Lumobo na sa halos P3-B ang halaga ng pinsala ng habagat na pinaigting ng mga bagyong Egay at Falcon sa sektor ng agrikultura.
Sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa mahigit P2.944-B ang naitalang production loss o cost of damage ng Department of Agriculture sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Bangsamoro Region, at Cordillera Administrative Region.
Samantala, nananatili naman ang bilang ng mga nasawi sa 29, 11 ang nawawala habang 165 ang nasugatan.
Mahigit 3M katao rin ang naapektuhan ng kalamidad mula sa 4,833 na mga barangay sa buong bansa. —sa panulat ni Lea Soriano